Nakakatuwa ang love.. isa siyang napakalaking oxymoron.. kahit anung sabihin mo tungkol sa kanya.. baliktarin mo.. totoo pa den..
ang labo no?, pero ang linaw.. di mo maintindihan.. pero naiintindihan mo.. walang rason.. maraming rason.. masakit mag mahal pero ok lang.. teka..?! ano b talaga..?!
Kapag may problema mga kaibigan mo.. tingin mo sa sarili mo, ang galing galing mo mag payo.. pro.. kapag ikaw na ang may problema.. nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo sa mga taong binigyan mo ng payo mo..
naisip mong.. wala namang mali sa mga sinabi mo.. pero.. parang bakit wala ding tama..?
May kaibigan acuh.. sabi niya.. “LOVE is only for stupid a person” nakakatawa kasi.. cumlaude ang standing niya.. dumating ang panahon.. nainlove din ang baliw.. ayun..
moron na siya ngaun.. lahat kasi ng natatamaan ng love nagiging oxymoron den.. o kaya paminsan.. nagiging moron lang..
Di lang kasi baliktaran ang LOVE,
Lahat ng bagay nababaliktad din niya.. lahat ng matatalino, nauubusan ng sagot.. lahat ng mahihina, tumatapang.. lahat ng mayayaman, nagpapakahirap.. lahat ng walang paki-alam, nagiging Mother teresa..
lahat ng matitigas, lumalambot.. :D
Ang sarap ding pagtawanan ng mga taong.. alam na nga nilang masasaktan sila eee.. nag papatihulog pa den sila sa bangin ng pag ibig.. “AH! ganito pala, Ang sarap sa pakiramdam.. puwede na akong mamatay, NOW NA!” tapos, kapag luray-luray na ang puso nila..
di na sila may kasalanan noon.. kundi.. “SIYA!, BAKIT NIYA ACUH SINAKTAN?!” may kasama pang pagsuntok sa pader at pag bagsak ng pinto..
Ang labo talga! naubos ang mag damag ko kakasulat sa mga walang kwentang bagay..
Pero pag pag-ibig na ang pag uusapan.. ilang beses ko na rin kasi siyang nakasalubong.. kaya.. masasabi kong.. experto na ako.. pero.. wala pa din akong alam!.
Pero ang pinakanakakatuwa sa lahat ay ang katotohanang.. “pag gustong mag patawa ng pag-ibig, ipusta mo na lahat-lahat ng arian mo.. dahil siguradong.. IKAW ang punchline..”
LOVE is OXYMORON